Metallic debris natagpuan sa Occidental Mindoro

(Courtesy: PCG)

 

Isa na namang piraso ng metallic debris ang natagpuan ng mga mangingisda sa Brgy, Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ipinagbigay alam ng residenteng si Roderick Fabien na nakapulot ang mga mangingisda ng isang metallic debris sa baybaying dagat.

Agad naman na rumesponde ang mga tauhan ng PCG at Philippine National Police kung saan nakumpirma ang isang kulay puti na mettalic debris na curve shaped at may haba na ng humigit kumalang na 6 feet.

Hindi pa matukoy ng PCG kung saan nanggaling metallic debris.

Inaalam pa ng PCG kung galing sa Chinese rocket ang debris.

Read more...