278,555 ‘child porno links’ naharang ng Globe

Hinarang  ng  Globe ang  278,555 URLs at domains ng child pornography mula noong Enero hanggang nitong Setyembre.

Maituturing na record ang bilang dahil nagpakita ito ng  1,132.5% pagtaas kumpara sa kabuuang naitala noong nakaraang taon  na 22,371.

Sa kabuuan, na-block ng kompanya ang 2,835 domains na nagtatampok sa child pornography sa siyam ng buwan ng taon  dahil sa masidhing kagustuhan na matugunan ang lumulubong bilang ng  Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) cases sa bansa.

“Globe wants to keep the public safe online, especially children and the youth who are most vulnerable to online predators. This is why we are actively supporting government efforts to restrict access to illegal sites like those containing child pornography by blocking malicious websites and URLs,” ani Globe Chief Privacy Officer Irish Salandanan-Almeida.

“We are relentless in boosting our capabilities to detect and block child pornography pages and other online content that are harmful to our customers. The astounding number of links we are able to block shows that our vigilance and security efforts have been effective even as we observe a rising number of these lewd and malicious content online,” ayon naman kay Globe Chief Information and Security Officer Anton Bonifacio.

Ang inisyatibo ay alinsunod sa Republic Act 9775 o ang Anti-Child Pornography Act of 2009 na nag-aatas sa lahat ng internet service providers (ISPs) na maglagay ng technology, programs, o software para matiyak na mahaharang ang access sa o transmittal ng child pornography.

Read more...