120 bangkay mula sa Bilibid ililipat sa UP-PGH para i-autopsy – DOJ chief
By Chona Yu November 09, 2022 - 01:58 PM
Ililipat sa pangangalaga ng University of the Philippines- Philippine General Hospital ang mga labi ng persons deprived of liberty (PDLs) mula sa pambansang piitan.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at aniya lalagda sila at ang UP-PGH sa isang memorandum of agreement para sumailalim sa autopsy ang bangkay ng mga bilanggo. Ang kilalang pathologist na si Doctor Racquel Fortun ang magsasagawa ng autopsy. Ayon kay Remulla, sa kabuuan, nasa 176 na bangkay ng bilanggo ang hindi pa nakukuha ng kanilang mga kaanak. Sisikapin aniya ng DOJ na mahanap ang kamag anak ng mga namatay na bilanggo para magbigyan ng disemteng burol. Sa ngayon ang mga bangkay ay nasa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa CityDisclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.