Ang paglalatag sa P5.268, ayon sa namumumo sa Senate Committee on Finance, ay bunga ng ilang linggo ng ‘marathon commitee hearings.’
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Angara na ang pambansang pondo sa susunod na taon ay alinsunod sa mga plano ng administrasyong-Marcos Jr.
“What are these? To boost growth, to cut poverty, to trim the deficit, to pare down debt and to catapult us to the league of upper middle-income nations,” ani Angara.
Pinaliwanag din ni Angara na tutugunan ng isinusulong na pambansang pondo ang isyu ng lumulubong populasyon sa bansa, ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo, ang pangangailangan sa mga imprastraktura, gayundin din ng mga nasa gobyerno.
Idinagdag pa ni Angara na magbibigay din ng ginhawa ang 2023 national budget sa mga lubhang naapektuhan ng mga epekto ng digmaang Ukraine-Russia, mga mapaminsalang kalamidad at ang nagpapatuloy na pandemya.
“It will be a great abdication of our duty if the Senate will be impervious to these developments and if we fail to adjust spending in a manner that is fiscally responsible,” dagdag pa ng senador.
Ngayon araw magsisimula sa Senado ang mga deliberasyon para sa 2023 national budget.