NGCP pinagmulta ng P5.1M multa ng ERC

By Jan Escosio November 09, 2022 - 08:42 AM

Pinatawan ng P5.1 milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) dahil sa hindi pagsunod sa utos ng Department of Energy (DOE).

Ang multa ay bunga ng hindi pagsunod ng NGCP sa DOE circular ukol sa pagbili ng ‘reserves’ o ang  ‘Prescribing the Policy for the Transparent and Efficient Procurement of Ancillary Services by the System Operator’ (AS-CSP Policy).

Layon nito na mas maging malinaw at pantay ang pagkakataon para sa lahat ng kuwalipikadong pasilidad sa ‘bidding.’

Inamin ng NGCP ang hindi pagsunod sa isang bahagi ng polisiya sa katuwiran na sa kanilang naging palagay ay wala na itong bisa.

Binalaan din ng ERC ang NGCP ang hindi pagsunod sa mga batas, regulasyon at polisiya ay maaring magresulta sa pagkansela sa kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity, gayundin sa maaring irekomenda sa Kongreso na kanselahin ang kanilang prangkisa.

 

TAGS: Energy, erc, franchise, ngcp, Energy, erc, franchise, ngcp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.