HDO laban kay Bantag, Zulueta ikinakasa na ng DOJ

By Chona Yu November 08, 2022 - 02:40 PM

 

Pino-proseso  na ng Department of Justice ang paglalabas ng ng hold departure order laban kay suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at Senior Supt. Ricardo Zulueta.

Ito ay matapos sampahan ng kasong murder ang dalawa dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi na kailangan ang lookout bulletin order laban sa dalawa dahil bilang mga opisyal ng gobyerno, hindi sila makaalis ng bansa nang walang pahintulot sa mga kinauukulan at walang travel authority.

Nanawagan din si Remulla kay Bantag na makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon.

Kung totoo aniyang walang kinalaman si Bantag sa pagpatay kay Lapid, dapat na itong lumantad at sabihin sa publiko ang lahat ng nalalaman sa kaso.

TAGS: broadcaster, Gerald Bantag, Jesus Crispin Remulla, murder case, news, Radyo Inquirer, broadcaster, Gerald Bantag, Jesus Crispin Remulla, murder case, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.