Student free ride sa LRT ikinalugi ng P30M – LRTA

By Jan Escosio November 08, 2022 - 11:22 AM

Kakapusin sa pondo para sa mga ibang proyekto ang Light Rail Transit Administration (LRTA) kung ipagpapatuloy ang libreng pagsakay ng mga estudyante.

Nabatid na sa pagkasa ng Libreng Sakay program sa mga estudyante, halos P30 milyon ang nawala sa kita sa pagbiyahe sa LRT Line 2.

Ang pondo, ayon sa ahensiya, ay maaring nagamit sana sa ‘system upgrade and rehabilitation.

Paliwanag pa ng LRTA ang programa ay dapat sa unang tatlong buwan lamang ng School Year  2022- 2023.

Sinimulan ang programa noong Agosto 5 ang nagtapos noong nakaraang Sabado, Nobyembre 5.

Naglabas ng pahayag ang LRTA dahil sa mga apila na ipatupad muli ang programa dahil malaking tulong sa mga mag-aaral.

TAGS: estudyante, libreng sakay, LRT, news, Radyo Inquirer, estudyante, libreng sakay, LRT, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.