Dalapuri Islands, Cagayan, niyanig ng 5.0 magnitude na lindol

By Chona Yu November 07, 2022 - 02:17 PM

 

Phivolcs Facebook photo

Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang Dalapuri Islands, Cagayan kaninang 1:34 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin na may lalim na 54 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Luna, Apayao at sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Naramdaman naman ang Intensity II sa Lal-lo, Buguey, Lasam at Penablanca, Cagayan.

Naitala naman ang Instrumental Intensity III sa Claveria, Cagayan at sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Penablanca, Cagayan at Laoag City, Ilocos Norte.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Gonzaga, Cagayan; Batac City sa Ilocos Norte at Sinait sa Ilocos Sur.

Ayon sa Phivolcs, asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.

Wala naming naiulat na nasirang ari-arian dahil sa lindol.

TAGS: Cagayan, lindol, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Cagayan, lindol, news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.