‘10-M, patong sa ulo namin ni Pres.-elect Duterte’- Dela Rosa

By Ruel Perez June 08, 2016 - 04:35 AM

 

Inquire file photo

Ibinunyag ni incoming Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa na nagpaplano na ang mga drug lords sa Bilibid para ipapatay silang dalawa ni President-elect Rodrigo Duterte kapalit ng P10 milyon.

Ayon kay Dela Rosa, may natanggap siyang impormasyon na nagpulong na umano ang mga sindikatong tatamaan ng kampanya ng papasok na administrasyon kontra illegal drugs.

Batay umano sa kanyang info dodoblehin ng mga sindikato ang alok na P5 milyon ni Duterte sa mga makakahuli dead or alive sa mga bigtime drug lords.

Pero ani Dela Rosa hindi siya nababahala sa balitang ito, sa halip ay hinamon pa nito ang mga drug lords na ipakita ang kanilang yabang.

Tahasan pang sinabi ni Dela Rosa na hindi na uubra sa papasok na administrasyon ang ginagawa ng mga drug lords sa bilibid na bayaran ang mga pulis, piskal, judge, at iba pang opisyal ng pamahalaan para makalusot ang kanilang mga iligal na operasyon. kanilang yabang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.