Davao Occidental niyanig ng 5.1 magnitude na lindol

 

Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Balut Island, Davao Occidental kaninang 3:42 ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 93 kilometro.

Asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.

Samantala, niyanig ng 3.5 magnitude na lindol ang Banganga, Davao Oriental kaninang 9:38 ng umaga.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 139 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa Santo Nino, South Cotabato.

 

Read more...