Bus nahulog sa bangin sa Bataan

By Chona Yu November 05, 2022 - 03:55 PM

Nahulog sa bangin ang isang school bus sa Sitio Butatero, Brgy, Tala, Orani, Bataan.

Nasa 47 na guro ang sakay ng bus.

Minamaneho ang bus ni Marcelino Oliva, 62 anyos.

Nabatid na ang nahulog na service bus ay donasyon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Division of City Schools noong 2016.

Pauwi na sana ang mga guro matapos dumalo sa Capacity Building Activity ng public school Gender and Development na inorganisa ng Department of Education-Schools Division Office ng Quezon City.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na tulungan ang mga biktima ng aksidente.

Nagpahayag ng kalungkutan ang lokal na pamahalaan kaugnay sa nasabing aksidente.

 

 

TAGS: aksidente, bangin, bataan, bus, news, Orani, Radyo Inquirer, aksidente, bangin, bataan, bus, news, Orani, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.