155 katao patay sa Bagyong Paeng

By Chona Yu November 05, 2022 - 02:34 PM

 

Umakyat na sa 155 ang bilang ng nasawi dahil sa Bagyong Paeng.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa naturang bilang, 121 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang ang 34 na iba pa ay sumasailalim pa sa validation.

Nabatid na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nakapagtala ng may pinakamaraming nasawi na umabot sa 63, kasunod ang Western Visayas na may 32 na nasawi at Calabarzon na may 20 na nasawi.

Nasa 129 katao naman ang naiulat na nasugatan habang 34 iba pa ang nawawala.

Nasa 4.2 milyon katao o 1.2 milyon na pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

 

TAGS: Bagyo, ndrrmc, news, Paeng, Radyo Inquirer, Bagyo, ndrrmc, news, Paeng, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.