Prince William, bagong piloto ng East Anglian Air

prince-william AP photo
AP Photo

Nagsimula na sa kanyang bagong trabaho ang ikalawa sa mga tagapagmana ng trono ng British Royalty na si Prince William.

Siya ang pinakabagong piloto ng East Anglian Air Ambulance Unit na isang Rescue Team na naka-base sa sentro ng Cambridge halos isang daang kilometro ang layo mula sa London.

Sinabi ni Prince William na ang kanyang bagong tungkulin ay katumbas ng pagtupad sa kanyang royal duties at paglago rin ng kanyang career bilang isang licensed helicopter pilot. Bahagi ng bagong tungkulin ni Prince William ay ang pagliligtas ng buhay ng kanyang mga nasasakupan mula sa natural at man-made disasters.

Sinabi naman ng Buckingham Palace na walang ibibigay na special treatment para sa panganay na anak nina Prince Charles at Princess Diana.

Pati ang kanyang tatanggaping sahod ay kahalintulad din sa entry level salary ng isang ordinaryong chopper pilot na naglilingkod sa British government.

Ang tanging pagkakaiba ng bagong papel ni Prince William ay maaari siyang lumiban sa mga rescue missions kung hinihingi ng pagkakataon na gampanan niya ang kanyang tungkulin bilang ikalawa sa tagapagmana ng kaharian ng Ingglatera.

Nilinaw din ng Buckingham Palace na hindi kukunin ni Prince William ang kanyant buwanang sweldo dahil ipagkakaloob niya ito sa kanyang napiling charitable institution na nananatiling sekreto sa publiko.

Aminado naman si Prince William na mahihirapan siyang hatiin ang kanyang oras sa kanyang bagong tungkulin.

Ngayon pa lang ay naiisip na umano nya na magiging limitado ang kanyang oras sa piling ng kanyang maybahay na si Kate Middleton at mga anak na sina Prince George at Princess Charlotte./ Den Macaranas

Read more...