Kadiwa ng Pasko sa Maynila, bukas na

By Chona Yu November 05, 2022 - 01:20 PM

 

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga tindero na lumahok sa “Kadiwa ng Pasko” sa Rasac covered court sa Sta. Cruz sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Pangulo, napakahalaga ng tulong ng mga tindero dahil sa pagbebenta ng mga local products sa mas murang halaga.

“Nais kong batiin ang ating mga sellers sa ating Kadiwa ng Pasko na trial run. Maraming, maraming salamat at kayo ay nakilahok dito sa aming bagong programa na sana, ‘pagka ito ay lumawak at dumami, ay makakatulong sa taumbayan lalong-lalo na at papasok na tayo ng Pasko kaya’t ang tulong ninyo ay napakahalaga,” pahayag ng Pangulo.

Dadalo sana ang Pangulo pero sa hindi malamang dahilan ay hindi na tumuloy.

Kabilang sa mga ibinibenta sa Kadiwa sa Pasko ang mga gulay, prutas, at iba pa.

“Maraming,maraming salamat sa inyo sa tulong na ibinibigay ninyo sa programa natin para maging matagumpay ang ating pagtulong sa ating kapwa Filipino,” pahayag ng Pangulo.

Bukas ang Kadiwa ng Pasko tuwing araw ng Sabado at Linggo sa buong buwan ng Nobyembre mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta dahil sarado ang kalsada mula Rizal Avenue  hanggang Ipil Street pati na ang isang lane ng Quiricada Street mula Ipil Street hanggang sa Rizal Avenue.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Pasko, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., news, Pasko, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.