Aabot sa halos P1 milyong halaga ng kush o high grade marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Parañaque City.
Ayon sa BOC, nasa 588 gramo ng kush ang nasamsam na nakalagay sa 45 na piraso ng vape cartridge.
Nakalagay ang kontrabando sa isang shipment na may marking “sweater gifts.
Dumating sa bansa ang kargamento noong Oktubre 28 at nanggaling sa Culver City, California sa Amerika.
Sumailalim sa physical ecxamination ang kargamento matapos makita sa x-ray na may kahina-hinalang bagay.
Agad nagpalabas ng warrant of seizure si District Collector Alexandra Lumontad at nagsagawa ng controlled delivery operation.
Sa naturang operasyon, naaresto ang isaang 25 anyos na lalaki na nakatira sa Don Posco, Parañaque City na claimant ng kargamento.
Tiniyak naman ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga kargamento na pumapasok sa bansa para hindi malusutan ng mga kontrabando.