Pangulong Marcos may dalawang bilateral meeting sa ASEAN Summit
May dalawang bilateral meeting si Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. sa pagdalo sa 40th at 41st ASEAN Summits and Related Summits sa Cambodia sa susunod na linggo.
Ayon kay Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Nathaniel Imperial, magkakaroon ng pagpupulong ang Pangulo kay Cambodian Prime Minister hun Sen at Korean President Yoon Suk-yeol.
Sa ngayon, isinasapinal pa ng DFA ang iba pang bilateral meetings ng Pangulo.
Tatalakayin aniya ng Pangulo at lider ng Korea ang free trade agreement, defense and security, turismo at iba pa.
Gagawin ang ASEAN Summit sa Nobyembre 10 hanggang 13.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.