Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan na tugunan ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa Pangulo, patuloy ang pagbibigay ng suporta ng gobyerno sa mga sektor na labis na apektado ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sa pamamagitan ng ayuda gaya ng conditional cash transfer at fuel subsidy.
Sinabi pa ng Pangulo na patuloy na tututukan ng buong pwersa ng gobyerno ang inflation at mga sanhi nito, at patuloy din na gagawa ng mga hakbang upang maibsan ang epekto sa taong bayan.
Sa panig ng National Economic Development Authority, ang sitwasyon sa ibayong dagat, kabilang ang pagsipa ng global inflation, patuloy na gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, at epekto sa pandaigdigang ekonomiya ng COVID-19 pandemic; at mga krisis na kinakaharap ng ating bansa gaya ng pinsalang dulot ng magkakasunod na bagyo ang dahilan ng inflation.
Kaya pangako ng Pangulo, hindi niya papbabayaan at patuloyy na susuportahan ang mga magsasaka at buong sektor ng agrikultura.
Sa ganitong paraan kasi aniya, mapatataas ang produksyon ng pagkain at matutugunan ang problema sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Mamumuhunan din ang Pangulo sa mga makabagong teknolohiya , hindi lamang para magamit sa food security kundi para tumaas ang kapasidad ng mga komunidad at pagnenegosyo.
Bahagi ito ng pangmatagalang plano ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.