COVID 19 isolation facility gamitin na disaster evacuation center hirit ni Angara

 

Itinutulak ni Senator Sonny Angara na gamitin na evacuation centers ang lahat ng mga itinayong COVID 19 quarantine and isolation facility.

Katuwiran ng senador, ngayon naman ay ‘under control’ na ang pagkalat pa ng nakakamatay na virus kayat aniya dapat ay ikunsidera kung kailangan pa ang mga naturang pasilidad.

“We want to see the utilization rate of these facilities and I suspect that many of them are no longer being utilized now. We can put them to good use by converting them as evacuation centers for families affected by the typhoons that hit our country several times a year,” aniya.

Magugunita na mga itinayo at binuksan na We Heal as One Centers, Ligtas COVID at Mega Ligtas COVID Centers para magamit na isolation at quarantine facilities sa kasagsagan ng pandemya.

Ngayon puna pa ni Angara bumaba na ng husto ang tinatamaan ng sakit at kokonti na rin ang may COVID 19 na kailangan na ipasok sa pasilidad.

“Imbes na masayang ang mga ipinatayong isolation centers ay magandang magamit ang mga ito bilang evacuation centers tuwing may kalamidad lalo na sa mga lugar na hindi sapat ang imprastraktura para patuluyin ang mga nawalan ng tahanan,” dagdag pa ng senador.

Nabanggit niya na may mga hotels pa din naman na nagagamit na isolation at quarantine facilities.

Makakabuti din aniya sa kanyang suhestiyon ay hindi na magagamit na evacuation centers ang mga public schools.

Read more...