6 patay sa sunog sa Navotas

By Chona Yu November 04, 2022 - 03:32 PM

Patay ang anim na miyembro ng isang pamilya matapos matupok ng apoy ang bahay sa Barangay Dagat-dagatan, Navotas City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, kabilang sa mga nasawi ang mag-asawang parehong 41 taong gulang, anak na lalaki na 10 taong gulang, anak na babae na dalawa at tatlong taong gulang, at pamangkin na 13 taong gulang.

Ayon sa BFP, umabot lamang sa unang alarma ang sunog.

Naideklarang fire out ang sunog kaninang 5:44 ng umaga.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigayson ng mga tauhan ng BFP kaugnay sa nasabing sunog.

 

 

TAGS: BFP, navotas, news, Radyo Inquirer, sunog, BFP, navotas, news, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.