154 katao patay sa Bagyong Paeng

By Chona Yu November 04, 2022 - 01:15 PM

 

Umakyat na sa 154 ang bilang ng nasawi dahil sa Bagyong Paeng.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,  sa naturang bilang, 101 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang ang 53 ay sumasailalim pa sa beripikasyon.

Karamihan sa mga nasawi ay galing sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na umabot sa 63 katao, kasunod ang Western Visayas at Calabarzon na parehong nakapagtala ng 33 na nasawi.

Nasa 128 katao naman ang naiulat na nasugatan habang 35 iba ang naiulat na nawawala.

Pumalo na sa P2.7 bilyong halaga ng agrikultura ang nasira habang nasa P2.9 bilyong halaga naman ang nasira sa sector ng imprastraktura.

TAGS: Bagyo, news, Paeng, Radyo Inquirer, Bagyo, news, Paeng, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.