Kapakanan ng mga bata pinatitiyak ni Sen. Win Gatchalian sa pandemic recovery

Senate PRIB photo

 

Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian sa gobyerno na kasabay ng pagbangon ng bansa mula sa pagkakalugmok dahil sa pandemya ay ang pagsusulong ng kapakanan ng mga bata.

Sinabi ni Gatchalian na labis din naapektuhan ng pandemya ang mga bata, lalo na noong kasagsagan nang pagpapatupad ng lockdown.

Kasama na ang epekto nang hindi nila pagpasok sa paaralan.

Nabanggit din ng senador ang pagdami ng mga kaso ng ibat-iban uri ng pang-aabuso sa mga bata dahil sa paglimita sa kanilang galaw.

Dagdag pa ni Gatchalian na bagamat ang pagbabalik ng face-to-face classes ay isang positibong hakbang, kailangan pa rin pagtibayin ang mga hakbang para maibsan ang naging epekto ng pandemya sa mga bata.

Kayat inihain niya ang Senate Bill 150 o ang Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act para matugunan ang epekto sa pag-aaral ng mga bata.

“Sa patuloy na pagbangon natin mula sa pandemya, mahalagang tutukan natin ang kapakanan ng ating mga kabataan, lalo na’t kasama sila sa mga pinaka-apektado ng pinsalang dulot ng COVID-19. Mahalagang hakbang ang muling pagbabalik ng face-to-face classes, ngunit marami pa tayong maaaring gawin upang lalo pang itaguyod ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabataan,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Basic Education.

 

Read more...