2023 Calamity Fund dinagdagan ng Senado – Angara

By Jan Escosio November 04, 2022 - 10:56 AM

Photo credit: Sen. Sonny Angara/Facebook
Tinaasan ng Senado ang calamity fund ng gobyerno sa susunod na taon, ayon kay Senator Sonny Angara.   Ginawa aniya nila ito para matugunan ang gagawing rehabilitasyon sa mga lugar na labis na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad, gayundin para sa pagsasa-ayos ng mga nasirang imprastraktura.   Ibinahagi ng namumuno sa Senate Committee on Finance na humigit kumulang P30 bilyon ang itinalaga nilang calamity fund para sa susunod na taon.   Naniniwala ang senador na sa lawak ng pinsala na idinulot ng magkakasunod na kalamidad, lindol at bagyo, makatuwiran lamang na dagdagan ang calamity fund.   Dagdag pa nito, bukas ang komite sa mga maaring pagbabago sa pambansang pondo sa susunod na taon lalo na kung ito ay para sa kapakanan ng sambayanan.   Sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo, iuulat na ni Angara sa plenaryo ang committee report para sa 2023 national budget at kasunod nito ang deliberasyon ng hinihinging pondo ng mga ahensiya ng gobyerno.

TAGS: calamity fund, news, Radyo Inquirer, sonny angara, calamity fund, news, Radyo Inquirer, sonny angara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.