Vina Morales, inireklamo ang dating karelasyon na si Cedric Lee

By Kathleen Betina Aenlle June 08, 2016 - 04:23 AM

 

Mula sa bandera.inquirer.net

Inireklamo ng actress-singer na si Vina Morales ang kaniyang ex-boyfriend na si Cedric Lee matapos umanong kunin at ilayo sa kanila ang anak nilang si Ceana nang walang pahintulot mula sa kaniya.

Ayon pa kay Vina, nilabag rin ni Cedric ang visitation rights na inaprubahan ng korte para sa kaniya kung saan nakasaad na maari lamang niyang bisitahin si Ceana tuwing Sabado.

Nag-hain na ng mosyon si Vina sa San Juan Prosecutor’s Office branch 162 noong Biyernes, at kahapon ng umaga ang nakatakdang unang pagdinig.

Kinuha aniya ni Cedric si Ceana at hindi ipinakausap sa kaniya sa loob ng siyam na araw habang siya ay wala sa bansa.

Naganap ang insidente habang nasa bakasyon siya kasama ang kaniyang kasalukuyang boyfriend na si Marc Lambert sa Switzerland at Saint-Tropez simula noong May 10.

“He detained Ceana from going home for 9 days when I was away at hindi niya pinapakausap sa akin yung anak ko so his intention was not good and wants to bully me and harrass me. Hindi niya binalik sa family ko ang anak ko. Sobra kami lahat na stressed at nag worry kasi bawal namin kausapin si Ceana,” sabi ni Vina sa text message niya sa Bandera.

Ayon pa kay Vina, handa na siyang labanan si Cedric ngayon hindi tulad dati na hinahayaan lang niya ang pambu-bully nito sa kaniya at kaniyang pamilya.

Nagkaroon pa aniya ng kaunting trauma ang 7 taong gulang na anak dahil wala itong kaalam-alam sa mga nagaganap at nagtataka kung bakit hindi siya pinapauwi sa kanilang bahay.

Maghahain aniya siya ng mosyon custody file na inihain ni Cedric noong 2013.

“Siya pa ang may lakas na mag file ng custody, we are not even married and no financial support to my daughter,” ani Vina.

Naging kontrobersyal na rin noon si Cedric nang masangkot ito sa pambubugbog sa sa artistang si Vhong Navarro noong 2014.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.