Basketball shoes sa kulungan, shabu sa detenido nabuking

By Jan Escosio November 04, 2022 - 10:51 AM

 

Naghinala na ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa basketball shoes na ipinabibigay sa isang detenido sa Metro Manila District Jail sa Taguig City.

Base sa ulat, nagpanggap na dalaw ang 24-anyos na si Jeremiah Neil Buenaventura, ng Mandaluyong City at ipinabibigay ang isang pares ng basketball shoes.

Dahil sa pagdududa sa basketball shoes para sa isang detenido, masusing ininspeksyon ang sapatos at nabuking ang hinihinalang shabu na isiningit sa suwelas.

Sinabi ni Taguig City police chief, Lt. Col. Robert Baesa, nagkakahalaga ng P170,000 ang nakumpiskang droga.

Hindi na tinukoy ang detenido na tatanggap ng sapatos at tumanggi na rin si Buenaventura na magbigay pa ng detalye.

Kakasuhan siya ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: news, NPA, Radyo Inquirer, news, NPA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.