Inflation sa buwan ng Oktubre pumalo sa 7.7 percent

Bumilis ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, pumalo sa 7.7 percent ang inflation kumpara sa 6.9 percent na naitala noong Setyembre.

Pinakamabilis ito na inflation simula noong Disyembre 2008 kung saan nagkaroon ng global financial crisis.

Kahit bumilis ang inflation, pasok pa rin naman ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 7.1 hanggang 7.9 percent.

 

 

Read more...