DENR target na makapagtanim sa dalawang milyong ektarya hanggang 2028
Prayoridad ng binabalak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pagtatanim ng mga puno ang mga ‘vulnerable areas.’
Ibinahagi ni Environment Undersecretary Jonas Leones ang plano na mataniman ang may dalawang milyong ektarya hanggang sa 2028.
Aniya gagawing prayoridad ang mga kalbong bundok at kagubatan gayundin ang critical watersheds.
Sabi pa ng opisyal kapag nataniman na ang mga nabanggit na lugar, may dagdag proteksyon na sa mga bagyo.
Una nang inanunsiyo ni Pangulong Marcos Jr., na dapat ay gawing bahagi ng flood control projects ang pagtatanim ng mga puno kasunod nang kanyang nasaksihan sa aerial inspection matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Noong 2015 napirmahan na ang Expanded National Greening Program para sa rehabiltasyon ng mga napinsalang mga kabundukan at kagubatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.