Pagsusuot ng mask sa trabaho, boluntaryo na lang – DOLE
Kasunod nang utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong Marcos Marcos Jr., inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng mga manggagawa o kawani sa kanilang pagta-trabaho.
Base ito sa Labor Advisory No. 22 na inilabas ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma alinsunod sa Executive Order No. 7 ni Pangulong Marcos Jr.
Ngunit ayon sa kagawaran maari naman magpalabas ng polisiya ang kompaniya kung kailangan pang pagsuotin ng mask ang kanilang mga empleyado o manggagawa depende sa sitwasyon sa kanilang opisina.
Suportado ng DOLE ang utos ng Malakanyang na mandatory pa rin ang mas sa mga pasilidad pang-medikal o kalusugan, medical transport vehicles, gayundin sa mga pampublikong sasakyan.
Hinihinakayat din ang pagsusuot pa rin ng mask ng senior citizens, immunocompromised, hindi bakunado, buntis, may comorbidities at ang mga sintomas ng trangkaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.