DSWD Calabarzon chief, assistant sibak sa reklamo ng Cavite mayor

By Jan Escosio November 04, 2022 - 08:14 AM

Matapos marinig ang reklamo ni Noveleta, Cavite Mayor Dino Chua, tinanggal sa puwesto ni Secretary Erwin Tulfo ang dalawang pinakamataas na opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Calabarzon Region.

Ito ay sina DSWD Calabarzon Regional Director Barry Chua at Assistant Regional Director Mylah Gatchalian.

Ang dalawang sinibak na opisyal ay iimbestigahan ayon kay Tulfo at mag-uulat sa kanyang opisina sa DSWD Central Office sa Quezon City.

Ayon kay Tulfo, ang reklamo ni Chua ay maraming hinihinging dokumento ang DSWD Calabarzon Office para sa pagbibigay ng relief goods sa mga lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Paeng.

“So ang ginawa ko po, habang pending ang investigation, ni-relieve ko yung regional director ko sa Region IV-A at tsaka yung assistant regional director para masatisfy yung investigation para di ma-impluwensiyahan yung imbestigasyon sa nangyaring incident sa Noveleta,” ani Tulfo.

Pansamantala, si Social Welfare Assistant Secretary Marites Maristela ang mamumuno sa nabanggit na regional office.

Kabilang ang Calabarzon sa nasa ilalim ng state of calamity base sa kautusan ni Pangulong Marcos Jr.

TAGS: dswd, Erwin Tulfo, news, Radyo Inquirer, Sibak, dswd, Erwin Tulfo, news, Radyo Inquirer, Sibak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.