4 sa 6 teenager na dinukot sa Lanao del Norte, pinalaya na

By Kathleen Betina Aenlle June 08, 2016 - 04:20 AM

 

Mula sa Google Maps

Pinakawalan na kahapon ang apat sa anim na teenagers na dinukot noong Sabado sa Iligan City.

Ang mga biktimang pinalaya ay sina Juhari Gubat, Eloisa Lacson, Hanna Yurong at Kevin Limpin, habang nananatiling bihag ng mga kidnappers ang dalawang iba pa na sina Berzon Rey Paeste at Cedric Jamias.

Ayon sa ina ni Hanna na si Nida Yurong, mababatid na na-trauma at sobrang nine-nerbyos ang kaniyang anak nang makauwi ito sa kanila dakong alas-12:30 ng madaling araw ng Martes.

Ikinwento aniya ng kaniyang anak na piniringan ang kanilang mga mata at tinakpan naman ng duct tape ang kanilang mga bibig.

Hindi pa naman malinaw kung bakit sila pinalaya ng mga kidnappers.

Nag-iinuman ang mga nabanggit na kabataan sa Barangay Tibanga, nang mag-pasya silang pumunta sa bayan ng Lala sa Lanao del Norte para pumunta sa bahay ni Limpin.

Ngunit habang nakasakay sila sa isang pampasaherong van, biglang hinarang ng mga armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyan.

Pinababa sila ng mga ito at inilipat sa ibang sasakyan.

Kinakapanayam pa naman ng mga pulis ang mga pinalayang biktima upang malaman ang mga kabuuang pangyayari habang bihag sila ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.