Pormal nang ipinagkaloob ng Girl Scout of the Philippines ang “Chief Girl Scout” title kay First Lady Atty. Marie Louise Araneta Marcos.
Isinagawa ang investitute ceremony sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa talumpati ng First Lady, nangako ito na tutulungan ang GSP na linangin ang mental, emotional, at social qualities ng mga batang babae sa bansa.
Kinilala rin ng First Lady ang walang humpay na pagtataguyod sa misyon ng GSP na ihanda ang mga batang babae sa kanilang responsabilidad sa tahanan, sa bansa at sa komunidad.
“As the First Lady of the Philippines, I have been designated as the Chief Girl Scout of the Philippines. It is a title that I will truly be proud of… not only because of its meaningful history but more so because it will allow me to help our young women cultivate the same values that I learned when I was a Girl Scout in school,” pahayag ng First Lady.
Nagbalik tanaw pa ang First Lady sa kanyang karanasan bilang girl scout kung saan tinuruan siya na tumulong sa komunidad sa pagtatanim ng mga puno.
“Who would’ve thought that years later, especially with the recent onslaught of Typhoon Paeng, that something as basic as tree planting would be of vital importance,” pahayag ng First Lady.
“And if we can find ways to help save our environment, we will definitely be able to help our community and our country,” dagdag ni Marcos.
Naitatag ang GSP noong May 1940 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 542.
Base sa talaan noong 2017, nasa 800,000 girl scouts mayroon ang Pilipinas.
“As part of the GSP movement, I am committed to help shape our young women’s mental, emotional and social qualities. I will strive to help our environment and do our part towards nation-building. Together, we will achieve these goals,” pahayag ng First Lady.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.