150 patay sa Bagyong Paeng

By Chona Yu November 03, 2022 - 10:39 AM

 

Umakyat na sa 150 katao ang nasawi dahil sa Bagyong Paeng.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, sa naturang bilang, 94 ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyo habang ang iba pa ay sumasailalim sa validation.

Nasa 128 katao naman ang nasugatan habang 36 ang nawawala at patuloy na pinaghahanap pa.

Nasa 3.3 milyon katao o 966,824 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

Nasa 849,901 katao naman ang nanatili sa 2,655 na evacuation centers.

Nasa 12,564 na bahay naman ang nasira ng bagyo. Nagkakahalaga ito ng P12 milyon.

 

TAGS: Bagyo, death toll, news, Paeng, Radyo Inquirer, Bagyo, death toll, news, Paeng, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.