DepEd sinabing walang utos na ibalik ang gadgets ng mga guro
Itinanggi ng Department of Education (DepEd) na may utos sa mga pampublikong guro na ibalik na ang inisyu sa kanila na laptops, desktops, tablets, at smartphones.
Unang ibinahagi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na may mga natanggap silang ulat mula sa ilang public school teachers na ipinasosoli na sa kanila ang mga gadgets dahil sa pagpapatupad na ng 100% in-person classes.
“According to reports, all gadgets lent to teachers in Zamboanga del Sur will be retrieved from Nov. 2 to 4, to be led by the DepEd division accountant,” ayon sa pahayag ng grupo.
Dagdag pa ng grupo; “In Ernesto Rondon High School in Quezon City, laptop retrieval will be on Nov. 4. The same has also been done in Abellana National High School in Cebu City and Jose Panganiban National High School in Camarines Norte,” it added.
Diumano, pinagbasehan ng mga paaralan ang memorandum noong Abril 2020, kung saan nakasaad na dapat ay isoli ang gadgets kapag nagbalik na ang face-to-face classes.
Ngunit nilinaw ni DepEd spokesman Michael Poa na walang utos ukol sa pagbabalik ng gadgets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.