Ibat ibang kontrabando nasabat sa Bilibid

By Chona Yu November 02, 2022 - 05:43 PM

 

Aabot sa 12,000 piraso ng mga kontrabando ang isinurender at nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Corrections sa New Bilibid Prison.

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. kabilang sa mga kontrabando ang 7,512 na piraso ng in-can na alak, cellphone, laptops, sigarilyo, shabu, at mga deadly weapon.

Nabatid na ang in-can na alak ay nagkakahalaga ng nasa P50 bawat piraso ay ibinibenta sa Bilibid sa halagang ng tig P1,000.

Ayon kay Catapng, isasailalim sa forensic examinations ang mga cellphone sa pag-asang kasama sa mga ito ang cellphone ng nasawing bilanggo na si Jun Villamor na itinuturong middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

 

TAGS: Bilibid, kontrabando, news, Radyo Inquirer, Bilibid, kontrabando, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.