Nakolektang buwis ng BOC sa buwan ng Oktubre, lagpas pa sa itinakdang target
Pumalo sa P75.5 bilyon ang nakolektang buwis ng Bureau of Customs sa buwan ng Oktubre.
Ayon kay BOC chief Yogi Filemon Ruiz, mas mataas ito ng P19.6 bilyon 35 percent kumpara sa P56 bilyon na nakolekta noong Oktubre 2021.
Mas mataas din ito ng P11.8 bilyon o 18.6 percent kumpara sa target collection ng BOC na P63.7 bilyon sa buwan ng Oktubre.
Nabatid na mula Enero hanggang Oktubre, nakakolekta na ang BOC ng P714.3 bilon na buwis.
Mas mataas ito ng P111.5 bilyon p 18.5 percent na target collection kumpara sa P525.4 bilon na nakolekta noong nakaraang taon.
Ayon kay Ruiz, pursigido ang BOC na ipatupad ang mga pagbabago para malabanan ang revenue leakages, corruption, at smuggling.
Binibigyang prayoridad din ni Ruiz ang modernization program sa BOC para matuldukan na ang korupsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.