State of Calamity sa Calabarzon, Bicol, W. Visayas at BARMM
Isinailalim na sa state of calamity ang mga rehiyon na lubos na nahagupit ng bagyong Paeng,
Base sa Proclamation No. 84 ni Pangulong Marcos Jr., nasa state of calamity ngayon ang Regions IV-A, V, VI at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ito ay dahil sa lawak ng pinsala dulot ng nagdaang bagyo tataat gal ang state of calamity ng anim na buwan, maliban na lamang kung babawiin ng Punong Ehekutibo.
Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng rescue, recovery, relief, at rehabilitation efforts gayundun ang mga departamento at iba pang tanggapan na makipag-ugnayan sa local government units para siguruhin na maibibigay ang basic services.
Inutusan naman ang law enforcement agencies at Armed Forces of the Philippines na siguruhin na mananatili ang peace and order.
Ipatutupad din ang price freeze sa mga bilihin sa mga lugar na state of calamity.
Pumalo na sa mahigit 100 katao ang nasawi habang nasa 1.4 milyon katao ang naapektuhan dahil sa bagyo.
Nilagdaan ng Pangulo ang proklamasyon ngayong araw, Nobyembre 2, 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.