Basura ng Undas sa mga sementeryo umabot sa pitong truck

By Chona Yu November 02, 2022 - 12:00 PM

MMDA PHOTO

Nakakolekta na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng mga basura mula sa ibat-ibang libingan sa Metro Manila.

Ayon sa MMDA  nakapuno ng pitong truck ang mga basura na resulta ng paggunita ng Undas sa bansa.

Katumbas nito ang 24.2 tonelada o 85.2 cubic meters ng basura.

Nagpapatuloy pa ang paglilinis ng mga tauhan ng MMDA  sa mga sementeryo.

Kasabay nito ang pakiusap ng ahensiya sa mga dadalaw pa sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay na maging responsable sa kanilang mga basura.

 

TAGS: Basura, mmda, Undas, Basura, mmda, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.