Patay kay Paeng lumubo na sa 121

By Chona Yu November 02, 2022 - 10:05 AM

PHILIPPINE COAST GUARD PHOTO

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Bagyong Paeng sa bansa.

Base sa huling ulat mula sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa naturang bilang, 92 pa lamang ang kumpirmado habang ang iba ay sumasailalim pa sa berepikasyon. Nabatid na sa  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)  naitala ang may pinakamaraming nasawi na umabot sa 61 katao kasunod ang  Western Visayas na may 29 na bilang na nasawi at Calabarzon na may 12 nasawi. Nasa  103 katao naman ang naiulat na nasugatan habang may 36 pa ang nawawala. Patuloy naman ang ginagawang search and rescue operation sa mga nawawala.

TAGS: Bagyo, ndrrmc, Paeng, patay, Bagyo, ndrrmc, Paeng, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.