Pangulong Marcos nag-aerial inspection at namahagi ng relief goods sa Cavite
Nagsagawa ng aerial ocular inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cavite at iba pang lugar na sinalanta ng Bagyong Paeng.
Kasama ng Pangulo sa pag-iinspeksyon si Cavite Governor Jonvic Remulla.
Agad na inatasan ng Pangulo ang national government agencies na bilisan ang pagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Tiniyak ng Pangulo na may sapat na pondo ang pamahalaan.
“Kung hindi talaga maganda ang weather, hanap tayo ng ibang paraan para maipadala natin ‘yung mga gamit, ‘yung mga pangangailangan, ‘yung relief goods, lahat ng — ‘yung tubig, ‘yung gamot na kailangan, mga pangangailangan ng mga evacuees,” pahayag ng Pangulo.
Pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente sa Brgy. San Jose II, Noveleta, Cavite.
Nasa 18,000 pamilya ang inilikas sa Cavite.
Namahagi na ang lokal na pamahalaan ng Cavite ng P50 milyong halaga ng relief goods.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.