LP, sasali na sa koalisyon ni President-elect Duterte

By Isa Avendaño-Umali June 07, 2016 - 11:59 PM

 

Aquino-BelmonteKinumpirma ni outgoing House Speaker Feliciano Belmonte Jr na sasama na ang Liberal Party sa itinuturing na majority group na “coalition for change” ng binuo ng kampo ni President-elect Rodrigo Duterte para sa 17th Congress.

Sinabi ito ni Belmonte, vice chairman ng LP, na kasalukuyang nasa Davao City para sa meet and greet kay Duterte at presumptive House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Belmonte, hindi siya lalaban sa speakership race sa Kamara sa susunod na Kongreso, at sa katunayan ay tinawag na nito si Alvarez bilang soon-to be-speaker.

Nilinaw din ni Belmonte na hindi nakikialam si outgoing Pangulong Noynoy Aquino sa lipatan o pakikipag-alyansa ng ilang miyembro ng LP sa papasok na ruling party na PDP-Laban.

Sinabi ni Belmonte na alam ni Pnoy na maraming miyembro ng LP ang gustong lumipat o makipag alyansa sa PDP Laban.

Aniya pa, sakaling magkaroon ng koalisyon ang LP sa PDP Laban ay sa Kamara lamang ito at hindi kasama ang sa Senado.

Samantala, nilinaw din ni Belmonte na wala siyang rekumendasyon kay Duterte para mabigyan ng pwesto sa susunod na administrasyon si Vice President elect Leni Robredo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.