BARMM isinailalim sa state of calamity dahil sa Bagyong Paeng

Photo credit: Bangsamoro Government/Facebook

 

Isinailalim na sa state of calamity ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ay dahil sa matinding pagbaha dlot ng Bagyong Paeng.

Ayon kay BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, 10 munisipyo ang binaha kasama na ang Cotabato City.

Sinabi pa ni Ebrahim na pinaghandaan ng lokal na pamahalaan ang bagyo pero sadyang walang tigil ang pagbuhos ng ulan kung kaya umapaw ang mga ilog at nagkaroon ng matinding pagbaha at landslide.

Una rito, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ibat ibang tanggapan ng pamahalaan na tulungan ang BARMM.

Read more...