P4.1 milyong ayuda sa mga biktima ng Bagyong Paeng, nakahanda na

By Chona Yu October 29, 2022 - 10:18 AM

DSWD PHOTO

Aabot sa P4.1 milyon ang inilaang pondo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ipang-ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, galing ang pondo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), local government units (LGUs) at iba pa.

Ayon kay Garafil, base na rin sa utos ng Pangulo, mayroong P1.5 bilyong relief resources ang DSWD kung saan P445.2 milyon ang standby fund at quick response fund (QRF).

Mayroon din aniyang P1 bilyong halaga ng stockpiles ang DSWD na handing ipamahagi sa mga nasalanta ng bagyo.

Base sa talaan ng DSWD, nasa 97,206 pamilya ang naapektuhan ng bagyo. Nasa 12,304 pamilya ang nanatili sa mga evacuation centers.

Nasa 54 na bahay ang totally damaged habang 54 ang partially damaged.

Kabilang sa mga hinahagupitngayn ng bagyo ang Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Caraga Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

TAGS: ayuda, Bagyo, dswd, news, Paeng, Radyo Inquirer, relief goods, ayuda, Bagyo, dswd, news, Paeng, Radyo Inquirer, relief goods

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.