Sinimulan na ngayong araw ang preliminary investigation sa kasong paglabag sa cyber crime law na inihain ng kampo ni Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. laban sa mga opisyal ng Smartmatic sa Manila Prosecutors Office.
Ayon kay Atty. Amor Amorado, abogado ni Marcos, humihirit ng sampung araw na extension ang kampo ng Smartmatic dahil sa huli na ng dumating sa kanilang ang complaint.
Dahil dito, itinakda ni Manila Assistant City Prosecutor Hector Macapagal sa June 17 ganap na alas-dos ng hapon ang susunod na pagdinig para makapaghain ng counter affidavit ang Smartmatic.
Ang reklamo ay nag-ugat sa pagpapalit ni Smartmatic IT expert Marlon Garia, ang hash code sa transparency server ng comelec noong kasagsagan ng transmission ng boto noong May 9.
Nabatid na aabot sa anim hanggang labing dalawang taon na pagkakabilanggo ang naghihintay na parusa para sa mga lumakabag sa cybercrime law.
Samantala, ikinakasa na ng kampo ni Marcos ang paghahain ng electoral protest sa presidential electoral tribunal matapos matalo ni Repsetentative Leni Robredo dahil sa kuwestyunableng resulta ng botohan sa 1,689 na presinto kung saan natalo si Marcos gayung balwarte nya ito.
Kabilang na rito ang Leyte, Samar at Pangasinan at iba pang lugar sa Region 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.