85 porsiyento ng PNP magbabantay sa Undas

By Jan Escosio October 28, 2022 - 08:40 AM

 

Inanunsiyo ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr.  na 85 porsiyento ng kanilang buong puwersa ang magbabantay sa paggunita ng Undas sa susunod na linggo.

Ito aniya ay bahagi ng kanilang Oplan Undas 2023 para masiguro na magiging maayos at mapayapa ang pagdagsa ng milyong-milyong Filipino sa mga libingan.

Hinikayat din ng hepe ng pambansang pulisya ang publiko na kung maari ay maagang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay para maiwasan ang siksikan ng mga tao sa mga libingan.

Paalala din niya sa mga bibiyahe na kung maari ay ipagbilin sa mga pinagkakatiwalaan ang kanilang bahay at ari-arian.

May mga pulis na magbabantay din sa mga pangunahing lansangan para umalalay sa mga motorista.

TAGS: news, Radyo Inquirer, Rodolfo Azurin, sementeryo, Undas, news, Radyo Inquirer, Rodolfo Azurin, sementeryo, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.