Nagpatulong na ang pambansang pulisya sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para sa pagsasagawa ng ‘financial investigation’ kay Joel Escorial, ang self-confessed killer ng broadcaster na si Percy Lapid.
Sinabi ni PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo ay base sa ikinumpisal ni Escorial na binayaran sila ng P550,000 para itumba si Lapid, na Percival Mabasa sa tunay na buhay.
Aniya isinuko n ani Escorial ang kanyang bank passbook at nagbigay na ito ng waiver para masuri ang kanyang bank transactions.
Umaasa ang PNP na sa gagawing pag-iimbestiga ng AMLC ay malalaman kung kanino nagmula ang perang ibinayad sa grupo ni Escorial.
Ngunit, pag-amin ni Fajardo kailangan nila muna ang permiso ng korte para mabusisi ang iba pang bank accounts na maaring lumitaw sa pag-iimbestiga ng AMLC.