6 pulis-Caloocan sa hulidap case sinipa sa serbisyo

By Jan Escosio October 28, 2022 - 08:20 AM

PNP photo

Hindi na alagad ng batas ang anim na pulis-Caloocan, na ang vide nang panghoholdap sa isang sidewalk vendor ay naging viral sa social media noong nakaraang Marso.

Inanunsiyo ni NCRPO director, Brig. Gen. Jonnel Estomo ang pagsipa sa serbisyo kina Police Corporals Noel Espejo Sison, 33; Rommel Toribio, 29; Ryan Sammy Gomez Mateo, 32; Jake Barcenilla Rosima, 35; Mark Christian Abarca Cabanilla, 31; at Daryl Calija Sablay, 29.

Ang anim ay pawang dating tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police.

Ang pagpapatalsik sa anim ay inirekomenda ng Internal Affairs Service (IAS) na sinabing hindi na maaring magpatuloy pa bilang mga alagad ng batas ang mga ito.

Sinabi ni Eddie Yuson na tinangay ng anim ang kanyang P14,000 noong Marso 27 at huli sa CCTV camera ang ginawa ng mga pulis.

Nahaharap pa ang anim sa kasong robbery base na rin sa reklamo ni Yuson.

TAGS: caloocan, hulidap, PNP, Radyo Inquirer, caloocan, hulidap, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.