Nasa 561,259 na family food packs na ang nakahanda para sa mga biktima ng Bagyong Paeng.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Social Welfare and Development Undersecretary Edu Punay na nagkakahalaga ito ng P352 milyon.
Bukod dito, may nakahanda na rin aniya ang DSWD na food at non-food item na nagkakahalaga naman ng P689 milyon.
Nakahanda na aniya ang mga ito sa ibat-ibang strategic location.
May nakahanda rin aniyang emergency fund ang DSWD.
“Actually as of today, mayroon tayong available pa na mahigit P1.4 billion na pondo for stockpiles at standby fund ng ahensiya po at mahigit P450 million dito ay available standby funds po [garbled] dito sa ating Central Office at Field Offices. So, handa po tayo at mayroon po tayong pondo hanggang sa katapusan po ng taon para rumesponde sa pangangailangan ng ating mga kababayan na maaapektuhan po ng mga bagyo at mga kalamidad,” pahayag ni Punay.