Kakulangan ng pabahay pinatutugunan ni Pangulong Marcos

By Chona Yu October 27, 2022 - 03:08 PM

 

Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga government financial institutions maging sa mga pribadong bangko na maglagay ng isang Sistema para matugunan ang 6.5 milyong pabahay na backlog sa buong bansa.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa gitna ng pakikipagpulong sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Acuzar, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, at mga pinuno ng Bureau of Treasury, Pag-IBIG, Government Service Insurance System (GSIS), Philippine National Bank (PNB), at Land Bank of the Philippines.

Ayon sa Pangulo, kailangan na magkaroon ng maayos na Sistema para masuportahan ang housing program.

“I think we can, there should be sufficient incentives… [an] arrangement for the private banks to come in,” pahayag ng Pangulo.

Samantala, target naman ng DHSUD na magtayo ng isang milyong bahay kada taon o anim na milyong bahay sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos.

Ayon kay DGSUD Secretary Gerry Acuzar, kailangan nila ng P36 bilyong pondokada taon para sa pagtatayo ng mga bahay.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, Pabahay, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., news, Pabahay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.