Anim na lugar nasa Signal Number 1 dahil sa Bagyong Paeng

 

Lalo pang lumakas ang Bagyong Paeng.

Ayon sa Pagasa, nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu) eastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Bulusan, Santa Magdalena, Irosin, Juban, Casiguran, City of Sorsogon), Eastern Samar, Northern Samar at Samar.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 540 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras.

Asahan nang makararanas ng malakas nap ag-ulan ang Visayas, Southern Luzon at Northern Mindanao.

 

Read more...