Groundbreaking sa Samal-Davao bridge, pinangunahan ni Pangulong Marcos
By Chona Yu October 27, 2022 - 02:27 PM
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony sa Samal-Davao bridge.
Ayon sa Pangulo, tiyak na makaaakit ng turista at lalong lalago ang ekonomiya ng Davao dahil sa bagong tulay.
Mas mapapadali na kasi aniya ang pagbiyahe ng mga motorista.
Dahil sa bagong tulay, magiging limang minuto na lamang ang biyahe mula Davao City patungo ng Samal sa halip na 30 minutong biyahe sa ferry.
Nasa P23 bilyon ang inilaang pondo sa two-way, four-lane na tulay.
Nabatid na ang engineering company na China Road and Bridge Corporation (CRBC) ang gagawa ng tulay na may 3.98 kilometro na magkokonekta sa Samal Circumferential Road sa Island Garden City ng Samal patungo sa R. Castillo –Daang Maharlika junction sa Davao City.
Gagawin ang tulay sa loob ng limang taon at inaasahang matatapos sa 2027.
Popondohan ang tulay sa papamagitan ng loan agreement na US$350 milyon o P18.67 bilyon na napagkasunduan ng Pililinas at China.
Sakop ng Chinese loan ang 90 percent na project cost.
Dadalo rin mamaya si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.