Walo katao ikinunsiderang person of interest sa Percy Lapid murder case
By Chona Yu October 26, 2022 - 07:40 PM
Nasa walo katao na ang itinuturing na person of interest sa kasong pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tatlo ang nasa Philippine National Police, tatlo ang nasa pag-iingat ng National Bureau of Investigation, isa ang nasa pasilidad ng militar at isa ang kukunin pa sa Bureau of Corrections.
Ayon kay Remulla, ang walong indibidwal ay maaring may kinalaman sa pagkamatay ng bilanggo na si Jun Villamor na sinasabing middleman sa pagpatay kay Lapid.
Maari aniyang madagdagan pa ang bilang ng mga person of interest depende sa mga impormasyong lalabas pa sa imbestigasyon
Bukod sa 8 PI, hawak na ng Witness Protection Program ang dalawang kapatid ni Villamor na magsisilbing testigo
Sila kasi ayon sa kalihim ang nakakuha ng mga mensahe galing sa namatay na middleman sa umanoy plano laban kay Lapid
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.